May pag-asa pa bang umunlad ang Pilipinas? Marahil isa sa mga susi sa ating pag-unlad ay ang maitatak sa kaisipan ng lahat ng mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng pagmamahal sa Inang Bayan. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tulang binibigkas ng lahat ng mag-aaral tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes (noong panahon ko, pero sa ngayon ay di ko sigurado kung ganito pa rin.) na nakataas ang kanang kamay...ito ay ang Panatang Makabayan. Bagama't may bagong bersyon na ng Panatang Makabayan, mas gusto ko pa rin ang lumang bersyon kaya ito ang gagamitin ko sa aking panulat ngayon:
"Iniibig ko ang Pilipinas..."
Sa puntong ito, tinatawagan ko ang lahat ng namumuno sa ating bansa na ang pagiging...
- malakas - tamang nutrisyon, kalusugan, sapat na kagamitan sa mga klinikang pambarangay at mga ospital
- maligaya - pantay na karapatan ng lahat ng tao, malinis na kapaligiran, mabilis na proseso ng hustisya, panatag ang loob na lumabas ng bahay, atbp.
-kapaki-pakinabang - marangal na trabaho, mahusay na sistema ng edukasyon, malayang pamamahayag, suporta sa mga talino ng Pinoy
ay pribilehiyo ng lahat ng mamamayang Pilipino. Obligasyon ng mga namumuno na panatilihing malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang ang kanilang nasasakupan.
Alamin natin ang ating mga tungkulin sa Bayan gaya ng pagboto, pag bayad ng tamang buwis, hindi nagkakalat ng basura sa mga lansangan, atbp. Maging masunurin sa batas kahit walang nagbabantay. Halimbawa, sa pagmamaneho, ang iba kasi sumusunod sa batas trapiko dahil may nakikita silang pulis sa kanto. Pero pag walang bantay, bale wala na ang batas. Kung masunurin lang po tayo sa batas lahat, tingin ko po mawawala ang kurapsyon sa lipunan.
"Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan..."
Eto pa ang isa sa pinakamabigat na talata para sa ating lahat. Kaya ba nating unahin ang kapakanan ng bayan bago ang sarili? Kung doktor ka dito sa Pilipinas, bakit nag pupunta pa sa ibang bansa para maging "nurse"? Dahil sa sariling kapakanan. Titser ka dito pero nagpunta ka sa Hongkong para mag-DH. Bakit? Dahil sa sariling kapakanan din ang iniisip. Hindi lamang doktor at titser, may iba pang mga propesyonal na handang bumaba ng "level" para kumita ng malaki. Masisisi ba natin sila? Maiiwasan natin ito pag ang ating bansang Pilipinas ay handang tulungan ang lahat ng mamamayan upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.
Sa lahat ng pinuno ng bayan, pribado man o publiko, maglingkod ng walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Kaya po ito. Marami siguro ay ginagawa na marahil ito. Ito ang tunay na esensya ng paglilingkod.
Magsakripisyo para sa bayan. Kung sinasabi nating maraming tiwali sa mga namumuno, wag natin ituon doon ang ating pag-iisip. Bagkus ay isipin nating lahat kung paano tayo makakatulong sa ating kapwa. Isaisantabi muna natin ang sariling kapakanan alang-alang sa bayan. Makapangyarihan ang ating isip. Pag inisip nating makakaahon tayo sa ating kinasasadlakan ngayon, magagawa natin ito. Ngunit kung sa ngayon ay iniisip mong walang pag-asang magbago ang ating sitwasyon, ay marahil wala ka na ngang magagawa.
Ang pangarap ko ay sana dumating ang panahon na ang lahat ng Pilipino, saan mang dako ng mundo magkita ay magdadamayan, magmamalasakit sa isa't isa. Madarama ng ibang tao ang ating iniisip, maririnig sa ating mga salita, at makikita sa ating mga gawa ang tatak ng isang tunay na Pilipino.
Patungo na tayo sa pag-unlad. Kaya mo bang tumupad sa Panata ng isang Makabayan?
"Iniibig ko ang Pilipinas..."
Madaling sabihin ng kahit na sino ang mga katagang ito pero iilan lamang ang talagang pinaninindigan ito. Paano nga ba natin ipinapakita ang pagmamahal sa ating Bayan?
"Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi..."
Kung pinahahalagahan natin ang kaayusan ng ating bahay, mas lalo pa dapat nating pahalagahan ang kaayusan ng ating bansa. Maging masinop tayo. Magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura bilang halimbawa. Kapag itinuring nating tahanan ang buong Pilipinas, dapat ay tulungan natin umunlad ang isa't isa gaya ng isang mabuting pamilya. Walang inggitan, walang siraan, bukal sa loob ang tumulong na walang hinihintay na kapalit.
"Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang..."
Sa puntong ito, tinatawagan ko ang lahat ng namumuno sa ating bansa na ang pagiging...
- malakas - tamang nutrisyon, kalusugan, sapat na kagamitan sa mga klinikang pambarangay at mga ospital
- maligaya - pantay na karapatan ng lahat ng tao, malinis na kapaligiran, mabilis na proseso ng hustisya, panatag ang loob na lumabas ng bahay, atbp.
-kapaki-pakinabang - marangal na trabaho, mahusay na sistema ng edukasyon, malayang pamamahayag, suporta sa mga talino ng Pinoy
ay pribilehiyo ng lahat ng mamamayang Pilipino. Obligasyon ng mga namumuno na panatilihing malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang ang kanilang nasasakupan.
"Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang..."
ang talatang ito at ang mga susunod ay patungkol naman sa obligasyon ng lahat ng Pilipino para sa Bayan. Una ay ang paggalang sa magulang. Sinasabing walang hinangad ang ating magulang na ikasasama natin. Ang magulang ang unang nagtuturo ng mabuting asal sa mga anak. Siguro kung lagi nating iniisip ang payo ng ating magulang bago tayo magdesisyon, mababawasan ang katiwalian sa ating sarili, sa pamilya, sa pamayanan,at sa gobyerno.
"Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan..."
Ang paaralan ay mahalagang pundasyon ng bawat tao para mahubog ang ating kaisipan kung ano ang gusto nating tahakin sa buhay. Pag sinabing paaralan, may relasyon ito sa edukasyon. Dapat itaguyod ng ating gobyerno na mapaangat ang kalidad ng edukasyon. Mangyayari lamang ito kung mararamdaman ng mga guro ang suporta ng gobyerno. Ang mga guro naman ay dapat magsakripisyo para sa mga mag-aaral. Hindi mahalga kung magkano ang kinikita (kung talagang seryoso sila sa bokasyon ng pagtuturo) basta ipagpatuloy lamang ng mga guro ang kanilang misyon na maturuuan ng wasto at maayos ang lahat ng mag-aaral. Sa mga magulang, bilang pinakagabay ng mga bata, ibigay natin lahat ng ating makakaya para makapagtapos ng pag-aaral ang ating mga anak. At sa mga mag-aaral, ang pinakaimportanteng ambag ninyo ay sumunod sa mga tuntunin ng paaralan upang maging handa kayo sa pagharap sa hamon ng bukas.
"Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas..."
Alamin natin ang ating mga tungkulin sa Bayan gaya ng pagboto, pag bayad ng tamang buwis, hindi nagkakalat ng basura sa mga lansangan, atbp. Maging masunurin sa batas kahit walang nagbabantay. Halimbawa, sa pagmamaneho, ang iba kasi sumusunod sa batas trapiko dahil may nakikita silang pulis sa kanto. Pero pag walang bantay, bale wala na ang batas. Kung masunurin lang po tayo sa batas lahat, tingin ko po mawawala ang kurapsyon sa lipunan.
"Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan..."
Eto pa ang isa sa pinakamabigat na talata para sa ating lahat. Kaya ba nating unahin ang kapakanan ng bayan bago ang sarili? Kung doktor ka dito sa Pilipinas, bakit nag pupunta pa sa ibang bansa para maging "nurse"? Dahil sa sariling kapakanan. Titser ka dito pero nagpunta ka sa Hongkong para mag-DH. Bakit? Dahil sa sariling kapakanan din ang iniisip. Hindi lamang doktor at titser, may iba pang mga propesyonal na handang bumaba ng "level" para kumita ng malaki. Masisisi ba natin sila? Maiiwasan natin ito pag ang ating bansang Pilipinas ay handang tulungan ang lahat ng mamamayan upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.
Sa lahat ng pinuno ng bayan, pribado man o publiko, maglingkod ng walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Kaya po ito. Marami siguro ay ginagawa na marahil ito. Ito ang tunay na esensya ng paglilingkod.
"Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa."
Magsakripisyo para sa bayan. Kung sinasabi nating maraming tiwali sa mga namumuno, wag natin ituon doon ang ating pag-iisip. Bagkus ay isipin nating lahat kung paano tayo makakatulong sa ating kapwa. Isaisantabi muna natin ang sariling kapakanan alang-alang sa bayan. Makapangyarihan ang ating isip. Pag inisip nating makakaahon tayo sa ating kinasasadlakan ngayon, magagawa natin ito. Ngunit kung sa ngayon ay iniisip mong walang pag-asang magbago ang ating sitwasyon, ay marahil wala ka na ngang magagawa.
Ang pangarap ko ay sana dumating ang panahon na ang lahat ng Pilipino, saan mang dako ng mundo magkita ay magdadamayan, magmamalasakit sa isa't isa. Madarama ng ibang tao ang ating iniisip, maririnig sa ating mga salita, at makikita sa ating mga gawa ang tatak ng isang tunay na Pilipino.
Patungo na tayo sa pag-unlad. Kaya mo bang tumupad sa Panata ng isang Makabayan?
Comments
Post a Comment